 |
 |
 |
|
Saturday, December 23, 2006
A Christmas Poem from a special friend...
A Christmas Poem from a special friend...
Merlie Carrasca, who lives in Dubai
Working so diligently, no word of a lie
Lives with many others, and her Ate Joy
Declining to date a certain boy
She managed to get herself a free PDA
A company benefit for employees who stay
Unlikes MSN, which they block from their use
In fear computer priviledges would be abused.
Without a connection on her computer at home
It's gmail or PDA (she might have a phone)
But she does her best to stay in touch
Except when she is taking her lunch
She's oh so patient when it comes to love
Finding a personality that fits like a glove
Til the day when she meets Mr. Understanding
It's not that her standards are over-demanding.
Her character of kindness is something to behold
Her persistent spirit is of the perfect mold
Somedays I feel bad for ranting too much
About me, my issues, my life and the such.
So this holiday time away from her folks
Should not be a stick between her spokes
Two air-filled tires and legs in motion
She's peddling through life, this is my notion
And now I am running out of words to rhyme
And out of the window slips the luxury of time
I hope that she found just a bit of the cheer
That some of us experience this time of the year
Merry Christmas and a Happy New Year, Merlie. :c)
-Quincy
Posted at 11:52 pm by mherlie
Permalink
Its been a year ago since i decided to leave my country and my love ones just to earn money to help my family financially, im happy on what ever decision ive made because at my young age i become totally independent. i know i can live by my self with out worrying about who will prepare for my breakfast early in the morning, who will do my laundry etc.. i miss family so much. There's so many lessons ive learned in my one year of being far from my own country. That life is not easy..
to be continued...
Posted at 06:24 am by mherlie
Permalink
Thursday, July 01, 2004
Posted at 01:51 am by mherlie
Permalink

HARRY POTTER.... Ang gwapo talaga ni harry potter..... grabehhhh!!!!


Posted at 01:48 am by mherlie
Permalink
My Favorite Cartoon Character...
TAZMANIAN DEVIL


Posted at 01:39 am by mherlie
Permalink
 Nag-“I love you” sayo ang taong di mo 
naman
gusto! Ano ang gagawin mo?!?
Message: GUYS SAY:
1. Hahaha…that’s so funny…tell me another
joke.
2. Aaah…ano?! (tulala)
3. Hindi tayo talo!
4. Sori ha! Mas mahal ko PC ko eh!
5. Mars, lalaki rin gusto ko.
6. Waah…bakit mo ginagawa ‘to sa kin?
7. Ah, ganun?
8. It’s not you…it’s me. I’m sorry.
9. Libre muna!
10. Thank you Lord, may nagmahal na sa ‘kin.
11. Sorry, may sis akong mahal eh.
12. I’ll try to fit you in my schedule…
13. Stay away from me Satan!
14. Gandang hirit ah!
15. Diyos ko!!! Tao lang ako! Di kita
matitiis!
16. O tukso… layuan mo ako…
17. Bakit ganun ang buhay? Mahal mo ko,
mahal
ko siya, mahal nya iba…
18. AKO? OK KA LANG?
19. No Space for New Girlfriends
20. Alam mo dati, in-love na in-love ako
sayo…
21. Maganda ka sana kaso…
22. Ahh...ehhhh...EWAN KO SA MUKHA MO?!?
GIRLS SAY:
1. Okay! Fine! Whatever!
2. Pare, mahal ko si Maria eh.
3. Ah, ok! BYE!!!
4. Yuck! Duh?!!
5. …no nga ung assignment natin?
6. Pwede ba?! Wag ako pag-practisan mo!
7. Well, the feeling is mutual. I LOVE ME
TOO!
8. AYOKO SAYO!
9. Can you keep a secret? Crush ko
bestfriend mo eh.
10. So ano yung punchline?
11. Mukha mo…
12. Pagawa muna ng project
13. So???
14. Kahit sabihin kong may chest hair ako?
15. Alam ko na yan!!!
16. Ayos, may aalipustahin na naman ako
17. I LOVE YOU?! I LOVE YOU?! Kaya walang
nangyayri sa buhay mo eh…puro ka na lang love…
Hunghang!
18. Ganyan ka na lang lagi ah…para kunin ka
na ni Lord.
19. Look oh! Yung mga flies dumadapo sa
sugat
ko…cute noh?1?
20. Insured ka na ba?
21. Bro, isipin mo na lang ang mga magulang
mo na nagpapakagirap para mapag-aral ka.
22. Tol, paying kaibigan lang ha, pero
walang
papatol sa pick-up line mo eh.
23. Napakabata ko pa para maging kirida mo!
24. (while covering both ears) BLAH! BLAH!
BLAH!
25. "wag kang lasheng! steeg!"
26. babatukan sabay sabi ng "gagu! pareho
tayong
may pepe!"
27. uubo..iirap..tatayo at magwa-walkout
28. PWEDE RIN! <-----jm
29. :) hiniling ko prinsipe eh...nde palaka!
next
pls mahaba ang pila
30. ei walang tablahan...........i dnt care
31. what do you mean?
32. bakit sa lahat ng babae sa mundo ako pa???
hnd talaga ako luv ni lord. huhuhuhu
Posted at 12:59 am by mherlie
Permalink
Kilala nyo ba 2??? ewan ko ba dyan kung cno yang mga yan mga FEELING!!! pero CUTE ahhh.... ng BACKGROUND hehehehe....
Posted at 12:42 am by mherlie
Permalink
HINDI KO NA SYA MAHAL (HINDI KO SYA
MAHAL);
Naranasan mo na bang masabihan nyan???
Kung OO ang sagot mo, pwes! alam mo ba na out of
10 people na nagsabi nyan 5 ang nagsasabi ng
totoo?? yes! meaning 5 ang sinungaling!
Kc, minsan maraming dahilan kung bakit nasasabi
yan...
iSiPin MO ito..
Nasasabi ang linyang yan sa mga sitwasyon gaya
ng..
NAGUGULUHAN = ito ung mga taong nasa isang
relasyon pgktapos eh may iba pang mahal na iba..
kailangan nilang mapaniwala ang sarili na hindi
na hindi na nila mahal ung isa para, mahalin
naman ung isa pa. (HALIMBAWA: im sori may iba na
kong mahal, HINDI NA KITA MAHAL)
pero echos! ang totoo di ka naman syur kung sino
pa talga sa kanila ang matimbang... gets mo?
(kung hindi kawawa ka naman..=)
MASAMA ANG LOOB = eto naman ung mga taong
katatapos lng hiwalayan o nagawan ng di maganda
sa isang relasyon. (HALIMBAWA: bakit nya nagawa
sakin toh! HINDI KO NA SYA MAHAL!)
pero ay naku dala lng yan ng sama ng loob
mo..sige hinga ng malalim..tulog ng mahimbing..
paggising mo bukas naku...sya na naman ang
naalala mo..(miz mo noh? =)
BASTED = as in ayaw nya daw sayo.. PARE OKEI KA
LNG? (SAGOT: okei lng ako pre, wala na un hindi
ko na rin sya mahal) uyyy pa-macho epek.. SISTER
OKEI KA LNG? (SAGOT: yuh im okei, as in hindi ko
na sya mahal noh?!) ows? go gurl!
LIHIM NA PAG-IBIG= eto naman ung mga taong ayaw
ipaalam sa kanilang minamahal ang totoo, para
lang mapagtakpan ang nararamdaman nila, lalo
na't binubuking na sila.. (HALIMBAWA: Hindi ko
sya mahal ah, friend lng ang turing ko sa
kanya.) ay naku! yan din sinabi ni jolina kay
marvin!
PA-I WILL SURVIVE epek = eto ang mga taong gusto
ng kumawala sa hawla ng alala ng taong
minamahal..(HALIMBAWA: pagod na ko..from now on,
kakalimutan ko na sya, hindi ko na sya mahal!
smart na ko ngayon, i will survive!) ...hehe
sino ka? si kris aquino??
TAAS NG PRIDE = eto ung mga taong di nila maamin
sa sarili nila na mahal nila ang isang person
kc nga malayo sa standard nila ung gurl/guy or
lets say may ibang dahilan..pero nainlab sila.
(HALIMBAWA: yun? hindi ko sya mahal noh. ako pa
kilala nyo ko) sabay Naka cross ang mga fingers
ng kanilang hands and feet!
TAKOT = eto ung mga taong dahil ilang beses na
nasaktan sa larangan ng pag ibig, eh ayaw ng
magmahal kahit na mahal naman talga nila ang
isang taong nagmamahal sa kanila..(HALIMBAWA:
ayaw ko ng masaktan ulit...hindi kita
mahal.) ..o tapos? hehe
PAGHIHIGANTI = eto naman ung mga taong
binabalikan matapos ng hiwalayan...syempre sobra
nga naman sila nasaktan kaya sasabihan nya
ng "MASYADO AKONG NASAKTAN SA MGA NANGYARI,
HIND
NA KITA MAHAL" ...o loko bagay sayo!
maraming dahilan, maraming paraan para sabihin
natin ito ..
pero sana, sa susunod na sabihin mo sa kanyang
hindi mo na sya mahal .. eh ung totoo na.
Yung kaya mo na, yung sigurado ka, at un talga
ang nararamdaman mo..
mahirap na..
Paano kung mawala pa sya?...
Paano kung mahal ka pa talaga nya?..
Paano na kung mahal ka nya...
Paano Kung mahal ka rin nya
at mahal mo pa rin sya.
At sa ibang taong makakaranas naman neto..
pag sinabihan ka ng
HINDI NA KITA MAHAL! / HINDI KITA MAHAL!
chin up! and say...
STYLE MO BULOK! LIERS GO TO HELL!!
tinamaan ka db? alam ko..
Posted at 12:36 am by mherlie
Permalink
Monday, June 21, 2004
Hindi naman ako talagang ganito.
Hindi naman ako talagang ganito. Sa aming lahat ng mga kaibigan ko, ako yung bitter. Ako yung anti-mush. Ako daw yung stone cold. Sabi nga nila man hater pa ako. Na-iimagine niyo naman siguro di ba? Pero ewan ko ba, pagdating sa taong ito, kinakain ko lahat ng sinasabi ko. Tanggal bitterness sa katawan ko. Tanggal pagka-peminista ko. Kaya ako nagiging isang malaking contradiction e.
Hindi naman siya guwapo. Actually, di naman talaga ako mahilig sa guwapo. Wala nga akong hinahangaan sa kanya, siguro yung mata niya. Siguro, yung pagiging magaling niya sa drawing and mechanical stuff. Pero, sa tingin ko, hindi yun sapat para magtagal ang kabaliwan ko ng almost four years.
Sabi nila, mabait naman daw yun. Hehe. Oo nga, sa kanila lang. Pagdating sa akin, isa siyang antipatiko! Mabibilang ko kung ilang beses na niya akong sinigawan. E siya yung tipong tahimik lang, mahirit pero hindi loud. Aba, nasigawan ako. E ako naman yung tipong ayaw ng sinisigawan. Matagal na dapat akong na-turn off sa kanya, pero hindi pa rin.
Mabibilang ko din sa isang kamay lang kung ilang beses niyang sinabi ang pangalan ko. Sa mag-a-apat na taon, 4 na beses pa lang niyang sinasabi yung pangalan ko. Pag tinatawag niya ako, “oi” ang sinasabi niya. Hay naku. E ako din yung tipong naiinis kapag ganun. May pangalan ako, iyon dapat ang tawag sa akin. Matagal na dapat akong na-turn off, bad trip.
Masasabi ko namang magka-frequency kami kahit papaano. Nakakapagtawanan naman kami. Pero, pagdating sa mga bagay na gusto ko talaga, ayaw niya o kaya, di niya masakyan. Tama ba namang laitin ang laing? Taga-Bicol ako e. Sa music din, mahilig siya sa pop, mahilig ako sa alternative. Pati team ng basketball, magkaaway kami. At dun din sa paborito kong tula na ginawa ni Alejandro Abadilla, hindi niya rin masakyan, pinagtawanan pa niya. Matagal na talaga dapat akong na-turn off, hay.
Ang dami kong ginawang bagay na hindi ko akalaing gagawin ko para sa isang tao. Hindi naman sa humihingi ako ng kapalit. Pero sana na-a-appreciate man lang niya yung mga ginagawa ko. Nung inaantok siya, binigyan ko siya ng unan at higaan. Nung hindi maganda ang pakiramdam niya, inalagaan ko siya. Hindi ko nga pinagsisilbihan ng tubig yung mga magulang ko, pero siya pinainom ko. Yung mga maliliit na bagay na ganun. Pero kahit isang beses, wala akong narinig na “thank you” o “salamat” sa kanya.
Siguro iniisip ninyo, ang tanga-tanga ko no? Hehe. Wag kayong mag-alala, iniisip ko din yun sa sarili ko. Aware ako sa bagay na yun. Alam ko namang wala kaming potensyal e, kahit sinasabi ng mga tao na may pag-asa. Hay, bahala sila. Hindi ko naman kasi crush yun. Wala akong hinahangaan sa kanya. Wala akong gusto sa kanya, kasi obvious naman sa mga naisulat ko na, hate ko siya. Hindi ako infatuated. Kasi kapag infatuation, may dahilan, pero ako, wala. Lalo namang hindi ko siya mahal, hindi pa ako nasisiraan ng ulo at hindi naman kami close. Paano ko siya mamahalin kung hindi ko siya kilala? Hindi ko nga lang alam kun ano ‘to at bakit ako nagkakaganito.
Siguro friendship ang habol ko sa kanya. Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Ang dami nang pagkakataon, pinalipas ko lang. Gusto kong malaman kung bakit ayaw niya akong kausapin. Gusto kong malaman kung bakit siya ganoon sa akin. Ayokong gawin niyang rason na dahil naiilang siya dahil aasarin kami. Pakiramdam ko, hindi yun ang dahilan. Mas tatanggapin ko pa kung ang sasabihin niya, dahil hindi lang talaga niya ako trip bilang tao.
Dalawang beses na niya akong napaiyak. Yung una, depressed na talaga ako tapos siya yung nag-trigger para maiyak na talaga ako. Yung pangalawa, tears of joy. Sa nasabi ko nga kanina, never siyang nag-thank you sa akin. At sa pagkakataon na iyon, nag-thank you siya. Napatalikod na lang ako pagkatapos niyang tawagin yung pangalan ko, sabay “thank you” at abot ng gamit na hiniram niya. Namalayan ko na lang na tumulo na yung luha ko. Hay, sa wakas, with a smile, yun ang naramdaman ko.
Ayun. Sabi ko sa inyo, nag-iiba ako kapag siya na ang pinag-uusapan. Lahat ng kadramahan na mahuhukay sa kaloob-looban ko, mailalabas. Bad trip. Pinagtatawanan nga ako nung isa kong kaibigan. Pero ewan ko, iba lang talaga siguro siya.
Posted at 12:08 am by mherlie
Permalink
Ang Comsci at ang Anomaly
Isa akong logical na tao. Logical, ibig sabihin hinahanap ko ang mga rason para sa mga bagay at nagdedesisyon din ako base sa mga rason na ‘to. Mahilig akong magisip, at ito ang paborito kong pastime. Nakakalibang ang algebra, at math naman ang paborito kong subject. Mabilis rin ako sa minesweeper. Sigurado akong kaya kong ibreak ang record mo. Pati na rin siguro sa tekken kaya kitang karnehin. Na-solve ko rin ang rubik’s cube nang walang nagtuturo. At kahit nung bata pa lang ako kung kelan pa lang ako nagsisimulang magisip, sisiw lang kahit yung pinakasopistikadong jigsaw puzzle. At oo, bago pa man ako mag-aral, nung mga tatlong taon pa lang ako, sa unang beses kong makakita ng game-and-watch, sinabi ko sa sarili ko na balang araw e gagawa ako nito. Tamang tama, parang planado, at naging comsci nga ako.
Planado na ngang talaga, at parang kalkulado ko lahat ng mga mangyayaring sunod sa buhay ko. Hawak ko ang Algorithm, ang perpektong Pseudocode ko. Lahat ng mga mangyayari alam ko na, na parang program na ako mismo ang sumulat. Oo, lahat.
Lahat siguro alam ko na.
Pwera ka.
Oo, pwera ka. Ikaw lang siguro yung hindi ko nakalkula. Malamang nga, ikaw pa lang yung nakarating dito sa pinaka-loob ko kung saan nakasulat ang matibay at napaka-walang maling source code ko. At doon nagsimula. Nakaramdam ang robot. Nakalimutan nya ang rason, at nagsimula syang malito. Biglang ikaw na lang yung naging rason. Ikaw na lang. Bakit, sino ka nga ba? Kung ikaw ang millenium bug, malamang hindi ako Y2K ready. Wala akong alam sa ganitong sitwasyon, pero bakit parang ikaw na lang ang alam ko? Unang beses ‘to sa buong buhay ko, sa tinagal ng run-time ng algo ko, pero kung Tekken ang buhay, eto ako, naka-hold ng forward, hindi man lang nag-tag, at handa nang mamatay.
Ikaw pa lang siguro yung nakarating dyan sa source code ko, o sa pinaka-kaluluwa ng isang taong katulad ko kung tawagin, kung saan ako pinaka-mahina, pinaka-hindi nagiisip, pinaka-talunan. Ano bang ginawa mo, at parang gusto kong sabihin sa buong mundo na mahal na kita? Hindi. Hindi lang siguro yun dahil sa mga mata mo na kaya akong lunurin, pero maging masaya pa rin na nalunod ako. Hindi. Nawala na ang rason, pero bakit parang wala pa ring mali?
Kung Java program ako, isa kang Exception na hindi ko alam i-throw. At siguro, kung sa C, kahit magcompile hindi ko na magawa. Ikaw ang Anomaly ng Matrix ko, at kahit si Agent Smith o Merovingian e natalo mo. Ikaw na nga ang “why”, pati ba ang “what” ikaw pa rin? Sabihin mo naman sa akin kung pano mo ‘yon ginawa. Bakit? Ikaw ba yung the One? Kung ikaw nga, at alam kong ikaw nga, sana ayos lang sa’yo.
Alam kong sinabi ko na sa’yo lahat, pero hindi ko alam kung naniwala ka. Pasensya na kung wala na akong magawang iba para maniwala ka. Salita. Yun lang. Pero hindi naman kasi “mahal kita” lang yung gusto kong sabihin e, marami pang iba. Hindi ko lang alam kung pano sabihin, o kung ano yung katumbas nun sa salita. Oo, hindi ko mahanap yung salita. Kahit siguro saan language – kahit sa C++ o Java, Pascal o Cobol, VBScipt o ActionScript. Kahit sa mas kumplikadong assembly language, o machine language. Kahit sa mga 1s at 0s ng binary, mga true o false ng boolean, o kahit saan pa.
Pagpasensyahan mo na ang nakayanan ng isang comsci na walang alam sa salita, pero ngayon, uulitin ko, at maghihintay ako sa sasabihin mo, kahit kailan pa yon at kahit anuman yon, gaya ng sinabi ko sa'yo: Mahal kita.
Posted at 12:03 am by mherlie
Permalink
|
|
 |
|
 |
 |
 |
mherlieOctober 5th 1985 (Age 24) Female manila

Post your message here!!!
|
 |
|